^

Probinsiya

Bangkay ng dating seaman isinilid sa drum, ipinaanod sa ilog

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Bangkay ng dating seaman isinilid sa drum, ipinaanod sa ilog
Positibong kinilala ng mga kaanak ng biktima si Rowel Unabia, 32-anyos dating seaman at residente ng Brgy. Maddalero, Buguey, Cagayan. Ayon kay Haydee asawa ng biktima, agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya nang mabali­taan ang tungkol sa bang­kay na nakita sa isang drum sa ilog.
STAR/ File

CAGAYAN VALLEY, Philippines —  Natagpuan ang bangkay ng isang dating­ seaman na nakasilid sa drum na palutang-lutang sa Cagayan River sa bahagi ng Maddarulog, Solana ng lalawigang ito.

Positibong kinilala ng mga kaanak ng biktima si Rowel Unabia, 32-anyos dating seaman at residente ng Brgy. Maddalero, Buguey, Cagayan. Ayon kay Haydee asawa ng biktima, agad silang nakipag-ugnayan sa pulisya nang mabali­taan ang tungkol sa bang­kay na nakita sa isang drum sa ilog. Hang­gang sa ngayon ay palaisipan pa sa kanila ang ginawa sa kaniyang mister dahil wala umano silang alam na kasalanan at kaaway nito.

Sa inisyal na pagsisiyat ng pulisya, nag­tamo ng saksak sa dibdib ang biktima na posibleng sanhi ng kaniyang pagkamatay bago isinilid sa drum saka ipinaanod sa ilog.

Sinabi ni PCapt. Samuel Lopez, hepe ng PNP Solana, nagulat ang mga nakakitang construction worker dahil bangkay ng tao ang tumambad nang buksan nila ang kulay asul na drum na unang nakitang naaanod sa ilog.

vuukle comment

BANGKAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with