12 dinakip sa iligal na pagmimina
MANILA, Philippines — Labindalawang indibidwal ang inaresto ng National Bureau of Investigation Environmental Crime Division dahil sa pagkakadawit sa illegal quarrying at mining operations sa Rodriguez, Rizal.
Ang nasabing aksyon ng NBI-EnCD agents ay nagmula sa reklamong nagsasagawa umano ang mga naaresto ng illegal quarrying activities simula pa noong 2019 sa nasabing lugar.
Sinabi ni NBI-EnCD chief Jun Carpeso na may permit namanumano ang mga naaresto pero nagsasagawa sila ng operasyon na labas dito.
“This company has been extracting gravel and sand despite only having a landfill permit,” ani Carpeso.
Kasama sa nasabat ang mga heavy equipment na ginagamit sa iligal na aktibidad. Nahaharap sa kasong paglabag sa Philippine Mining Act of 1995 ang mga naaresto.
- Latest