Obrero nakuryente, nahulog todas
DARAGA, Albay, Philippines — Patay ang isang 41-anyos na construction worker matapos aksidenteng nakuryente at nahulog sa scaffolding sa Brgy.Ilawod ng bayang ito kamakalawa ng hapon.
Tinangkang isugod ng kanyang mga kasama sa trabaho sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Legazpi City, pero idineklarang dead on arrival ang biktimang si Roger Asaytuno Marcelo, residente ng Sitio Pangyawan, Brgy. Taysan, Legazpi City.
Sa ulat, habang paunti-unting tinatanggal ng biktima ang scaffolding sa ginagawang gusali sa lugar nang aksidenteng nadikit ito sa kable ng kuryente dahilan para siya mangisay.
Matapos mawalan nang malay dahil sa lakas ng boltahe ay nahulog pa ang biktima mula sa taas ng scaffolding na sinaklolohan ng mga kapwa trabahador at isinugod sa pagamutan pero hindi na umabot nang buhay.
- Latest