40 nadale ng ‘Chikungunya’ sa Oriental Mindoro
MANILA, Philippines — Umaabot na sa 40 ang mga tinamaan ng sakit na Chikungunya virus na nakukuha mula sa kagat ng lamok sa Pola, Oriental Mindoro.
Ayon kay Dr. Leah Pinafrancia Reyes, Pola municipal health officer, nagsimulang may maitalang kaso ng Chikungunya, dalawang buwan na ang nakakaraan.
Aniya, bigla na lamang ang pagtaas ng bilang nito noong nakaraang dalawang linggo kung saan edad 30 hanggang 50 ang mga tinamaan ng naturang sakit.
Ikinabahala naman ni Pola Mayor Jennifer Cruz ang pagtaas ng bilang ng kaso ng Chikungunya kaya pinaalalahanan nito ang mga residente na maging malinis sa kanilang mga bahay at paligid.
Nabatid na nasa 6 na barangay ang apektado ng pagtama ng sakit.
Kabilang sa mga nararanasan ng mga nagkakasakit ay pananakit ng kasu-kasuan o joint paui, rashes at lagnat.
- Latest