^

Probinsiya

‘Extortionist’ patay sa shootout

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SORSOGON CITY, Sorsogon , Philippines — Bulagta ang isa sa tatlong suspek na inireklamo ng pango­ngotong matapos na makipagbarilan umano sa mga pulis sa Brgy. Sa­wanga, Bacon District ng lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

Napuruhan ng punglo­ sa iba’t ibang bahagi ng katawan at agarang na­sawi ang suspek na kinilalang si Joerez Ditan Dichoso, residente ng Brgy. San Rafael, Prieto Diaz.

Sa ulat, dakong ala-1:45 ng hapon, tumawag ang ilang residente ng Brgy. Bato dahil umano sa pananakot at pangi­ngikil na ginagawa ng tatlong hindi nakilalang armadong lalaki.

Mabilis namang ru­mesponde ang mga pulis at inabutan pa nila si Dichoso sa Brgy. Sawanga pero sinalubong umano sila ng putok dahilan ng ilang minutong shootout hanggang sa bumulagta ang nasabing suspek. Nakatakas naman patu­ngo sa hindi malamang direksyon ang dalawa pang suspek.

Nabawi sa napaslang na suspek ang hindi ma­lamang kalibre ng baril.

vuukle comment

BACON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with