^

Probinsiya

Motor at jeep nagsalpukan: Rider dedo

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

SORSOGON CITY, Sorsogon , Philippines — Basag ang bungo at agad nasawi ang isang rider matapos bumangga ang kanyang motorsiklo sa kasalubong na pampasaherong jeepney sa kahabaan ng highway ng Sitio Bangcal, Brgy. San Roque, Bacon District ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Tinangka pang isugod ng mga rumespondeng res-  cue team sa Sorsogon Provincial Hospital pero idineklarang patay ang biktimang si Rhamir Divina, 28-anyos, cons­truction worker, residente ng nasabing barangay.

Sumuko naman ang driver ng kabanggaang jeep na si Alex Sañez, 50, ng Brgy. Balite, Bacon District.

Sa ulat, dakong alas-9:30 ng gabi, pauwi ang biktima lulan ng kanyang Suzuki motorsiklo at mabilis na binabagtas ang kahabaan ng highway nang pagdating sa pakurbang bahagi ng kalsada ay naukopa nito ang linya ng kasalubong na jeepney (EVK-748) sanhi ng salpukan. Sa lakas nang pagkakabangga, tumilapon ang rider at humampas sa konkretong poste dahilan para bumagok ang kanyang ulo na agad nitong ikinasawi.

vuukle comment

BASAG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with