^

Probinsiya

Lalaking wanted sa 157 kasong rape, nasakote

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Lalaking wanted sa 157 kasong rape, nasakote
Kinilala ng pulisya ang suspek na si Geminiano Argon Jr.,alias Boboy,42, kasalukuyang naninirahan sa Brgy. Poblacion 4, Magallanes, Cavite.
STAR/ File

MAGALLANES, Cavite, Philippines — Isang 42-anyos na lalaki na nahaharap sa 157 bilang ng kasong rape at 42 bilang ng kasong acts of lasciviousness sa lalawigan ng Pangasinan ang naaresto ng mga otoridad sa ba­yang ito,kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Geminiano Argon Jr.,alias Boboy,42, kasalukuyang naninirahan sa  Brgy. Poblacion 4, Magallanes, Cavite.

Sa nakalap na ulat mula kay P/SSG Eddie P Gomba ng Magallanes Police, nagtungo sa kanilang himpilan ang ilang miyembro ng Pangasinan pulis at humingi ng koordinasyon dala ang 178 piraso ng warrant of arrest laban sa suspek.

Agad na nagkasa ng operation ang pulisya at dakong alas-6:00 ng gabi nang matiyempuhan ang suspek sa tinutuluyan nito at inaresto.

Hindi na nakapalag ang suspek nang posasan ito ng pulisya. Nakatakdang dalhin sa Pangasinan ang suspek upang litisin sa patong patong na kasong panggagahasa.

ARGON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with