^

Probinsiya

Trader patay, 3 pa sugatan sa killer SUV

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon
Trader patay, 3 pa sugatan sa killer SUV
Dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Roberto Villacruel Malacas, residente ng nasabing barangay habang kapwa nagpapagaling ang mga sugatan na sina German Basilio Mortil, 29-anyos, residente ng Purok-5, Brgy. Burabod at dalawang 17-anyos na binatilyo.
STAR/ File

DAET, Camarines Norte, Philippines — Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 56-anyos na nagbibisikletang negosyante habang tatlong rider ang sugatang isinugod sa pagamutan matapos na magkakasunod silang binangga ng isang rumaragasang SUV sa Sitio Bayabas, Brgy. Gubat ng bayang ito kamakalawa ng gabi.

Dead-on-arrival sa Camarines Norte Provincial Hospital ang biktimang si Roberto Villacruel Malacas, residente ng nasabing barangay habang kapwa nagpapagaling ang mga sugatan na sina German Basilio Mortil, 29-anyos, residente ng Purok-5, Brgy. Burabod at dalawang 17-anyos na binatilyo.

Patuloy namang tinutugis ng pulisya ang tumakas na driver lulan ng hindi naplakahang puting Toyota Fortuner.

Sa ulat, dakong alas-7:55 ng gabi habang binabagtas ang kahabaan ng highway ng F. Pimental ng motorsiklo na minamaneho ni Rivero nang banggain siya sa likurang bahagi ng SUV dahilan para siya ay tumilapon at angkas niyang binatilyo.

Gayunman, sa halip na tumigil ay humarurot pa ang nakabanggang sasakyan at pagdating sa Brgy. ll ay nabangga naman nito ang isa pang rider na si Mortil.

Dumiretso pa ang sasakyan hanggang sa salpukin nito sa dulo ng kalsada ang nagba-bike na si Malacas na sa lakas ng pagkakabangga ay agad namatay dahil sa matitinding sugat at pinsala sa katawan.

vuukle comment

GUBAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with