Konsehal inireklamo ng kidnapping, rape at robbery sa Ombudsman
MANILA, Philippines — Isang konsehal mula sa lalawigan ng Quezon ang naharap sa kontrobersya matapos ipagharap ng reklamong kidnapping, rape at robbery sa Office of the Ombudsman ng isang 22-anyos na dalaga.
Kinumpirma ng Citizens Movement Against Corruption, Crime, Illegal Drugs and Gambling, Inc. (CMACCIDGI) ang reklamong inihain ng biktimang itinago sa pangalang “Karen” sa Ombudsman laban kay Lopez, Quezon Councilor Arkie Yulde.
Nahaharap din si Yulde sa administrative charges dahil sa grave abuse of authority, grave misconduct, dishonesty and oppression sa Ombudsman.
Sa salaysay ng dalaga, noong Marso 7, 2020 ng alas-6:30 ng gabi habang naglalakad siya kasama ang dalawang kaibigan sa harap ng simbahan ng Sariaya, Quezon nang huminto ang isang itim na van at bumaba umano si Yulde na parang nakainom. Dali-dali nitong isinakay si Karen habang nakatutok sa bewang nito ang baril ng konsehal saka siya dinala sa isang hotel sa Metro Manila. Kinuha rin umano sa biktima ang bag nito na naglalaman ng pera na P4,300, pares ng gintong hikaw na P12,000 ang halaga, mga papeles, ID, at cellphone.
Bukod sa konsehal at driver nito, may isa pang armadong lalaki ang sakay umano ng nasabing van. Kasama ang biktima, ilang araw din umano silang namalagi sa hotel.
Nakatakas naman ang biktima nang makakuha ng tiyempo saka nagtungo at nagsumbong sa tiyahin sa Pasig City na humingi ng tulong sa CMACCIDGI.
- Latest