^

Probinsiya

Sabog na mister, nang-hostage ng pamilya

Joy Cantos, Ludy Bermudo, Ricky Tulipat at Cristina Timbang- - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Matapos umanong bumatak ng hinihinalang droga at hindi na nakapagtutulog, hinostage ng isang naburyong na ama ang kanyang asawa at dalawang anak na umabot ng mahigit dalawang oras sa bayan ng Mendez, dito kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Marvin Salgado, 36, isang construction worker habang nasa maayos nang kalagayan ang hinostage nitong misis na si Ellen, at dalawang anak na nagkaka-edad ng 9 at 10, pawang residente ng General Trias St., Poblacion 6, Mendez, Cavite.

Sa ulat ni Corporal Christian Espiritu ng Mendez Municipal Police, dala ng sobrang depresyon na dinaranas, hinostage ng suspek ang kanyang mag-iina at pinagbantaan na papatayin gamit ang isang kutsilyo sa loob ng kanilang bahay dakong ala-1:30 kamakalawa ng hapon.

“Noon daw Sabado ay gumamit siya ng droga, at simula noon ay hindi na ito nakakapagtulog kaya tuluyan na siyang naburyong,” ayon kay Corporal Espiritu.

Unang hiniling ng suspek na bigyan siya ng baril at mga bala sa mga negosyador pero hindi siya pinagbigyan. Habang kinakausap nina Cavite Provincial Police Office director Col. Marlon Santos, P/Lt. Col Egbert Tibayan, Major Jonatahn Asnan, chief POMU at mga elemento ng SWAT ang suspek ay puwersahang pinasok siya sa loob ng kanilang bahay at agad dinakma habang naisalba ng kanyang mag-iina dakong alas-4:46 ka­makalawa ng gabi.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with