^

Probinsiya

Police chief sa Catanduanes sibak sa pwesto nang sisihin 2 napatay sa Tarlac killings

James Relativo - Philstar.com
Police chief sa Catanduanes sibak sa pwesto nang sisihin 2 napatay sa Tarlac killings
Satellite image ng Bato, Catanduanes mula sa kalawakan
Google Maps

MANILA, Philippines — Sibak sa kanyang posisyon bilang hepe ng Philippine National Police (PNP) sa probinsya ng Catanduanes ang isang alagad ng batas matapos ipagtanggol ang aksyon ni Police SMSgt. Jonel Nuezca sa ginawang pagpaslang sa mga 'di armadong kapitbahay.

Nag-viral kasi, Lunes, ang Facebook post ni Bato, Catanduanes officer-in-charge Capt. Ariel Buraga tungkol sa pamamaril ni Nuezca sa sentido ng nakaalitang mag-ina sa Paniqui, Tarlac. Aniya, kasalanan ng nanay kung bakit sila pinatay dahil "wala silang respeto sa pulis."

"May policy din po kasi tayo sa mga pulis na 'wag gamitin ang social media sa mga opinyon na 'di magbibigay ng hustisya para sa propesyonal na pagtanaw ng PNP sa isang usapin," ayon kay PNP spokesperson Brig. Gen. Ildebrandi Usana, Martes.

Kinumpirma na rin ng PNP Bicol Chief PBGen Bartolome Bustamante ang nangyaring pagsibak kay Buraga matapos ang ginawang victim-blaming sa mga napatay.

Ano ba kasing nangyari?

Nangyari ito matapos hilingin ni Bato Mayor Juan Rodulfo kay Catanduanes Police Provincial Director PCol. Brian Castillo nitong Lunes na palitan ang hepe ng kanilang bayan lalo dahil nakakabahala raw ang kanyang pahayag sa social media.

Narito ang sinabi ni Buraga sa Facebook kahapon, bagay na kanyang dinilete nasa ngayon: "Lesson learn[ed], kahit puti na ang buhok o ubanin na tayo eh matuto tayo rumispeto sa ating mga kapulisan... mahirap kalabanang pagtitimpi at pagpapasensya," ani Buraga, habang tinutukoy ang napatay na 52-anyos na si Sonya Gregorio.

Sa video kasi, sinabi ni Gregorio ang mga katagang "I don't care," na linya sa kanta ng Korean Pop group na 2NE1 nang pagsisigawan ng anak ni Nuezca. Ipinagtatanggol noon ng nakatatandaang Gregorio ang anak na si Frank Anthony Gregorio (25-anyos) mula sa tangkang pag-aresto.

Nang tanungin ng netizens kung sapat na ang mga katagang 'yon para barilin ang matandang babae sa ulo, sumagot lang si Buraga ng "opo" — kahit na kalaunan ay sinabi niyang mali pa rin ang pagpatay.

Matatandaang nakitaan na ng "probable case" para i-charge ng dalawang counts ng murder ng Tarlac City prosecutors si Nuezca dahil sa pagpaslang. Walang piyansa na inirekomenda para sa salarin.

Nanganganib madiskwalipika si Nuezca sa serbisyo publiko kung mapatutunayang may sala, bagay na balak resolbahin ng mga otoridad sa loob lamang ng 30 araw.

Kagabi lang nang sabihin ni Pangulong Rodrigo Duterte at Interior Secretary Eduardo Año na titiyakin nilang mabibigyang hustisiya ang naulila ng karahasan habang nananatiling hindi lahat ng pulis ay abusado't "may topak." — may mga ulat mula kay The STAR/Emmanuel Tupas at News5

CATANDUANES

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

RODRIGO DUTERTE

TARLAC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with