^

Probinsiya

Karnaper’ kumasa sa checkpoint, utas

Joy Cantos, Christian­ Ryan Sta. Ana, Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Karnaper� kumasa sa checkpoint, utas
Bulagta ang isang hinihinalang karnaper matapos makipagbarilan sa mga awtoridad nang masabat sa checkpoint kasunod ng pagtangay nito ng isang tricycle at nakuhanan pa siya ng nasa P.3 milyong halaga ng shabu sa Cabanatuan City kamakalawa ng gabi.
Cabanatuan Police

Nakuhanan pa ng P340K shabu

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang hinihinalang karnaper matapos ang ilang minutong engkuwentro sa pagitan ng mga humahabol na pulis at nakuhanan pa ang suspek ng P340,000 na halaga ng shabu sa Brgy. Su­macab Este, dito, no­ong Lunes ng gabi.

Ayon kay Police Col. Marvin Joe Saro, Nueva Ecija Police pro­vincial director, hindi akalain ng pulisya na matitisod nila sa isang dragnet operation ang suspek sa pagtangay­ sa isang tricycle na may dala pang 10 plastic sachet ng umano’y shabu na aabot sa 50 gramo.

Sinabi ni Saro na pinapahinto ng Caba­natuan City Police, Highway Patrol Team-NE at Provincial Drug Enforcement Unit sa inilatag na checkpoint sa lugar ang ‘di kila­lang suspek habang minamaneho nito ang nakaw na pampa­sa­­herong tricycle (AO3-0137) na may body number E1-415, ngunit tinakbuhan sila nito. Dito na nagkaroon ng habulan hanggang sa magpaputok ang suspek ng homemade caliber .45 pistol kaya nauwi sa engkuwentro pero nang siya ang gantihan ay napuruhan ng bala pagsapit sa Purok Uno.

Napag-alaman na pag-aari ng isang Mi­chael Tayam, 23, bi­nata, construction worker ng Brgy. San Juan Accfa, Cabanatuan City ang nasabing tricycle.

Puwersahan uma­nong tinangay ng suspek at isa pang ka­sama nito ang tricycle bandang alas-8:20 ng gabi noong Lunes sa St. Joseph St., Brgy. Kapitan Pepe Subd., kaya agad na ipinagbigay-alam ng biktima ang insidente sa awtoridad.

Bukod sa umano’y shabu, nakuha sa na­patay na suspek ang isang singsing, bracelet, P500 cash at isang backpack na may laman na sweat shirt sa napatay na suspek.

vuukle comment

KARNAPER

SHABU

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with