24 barangay sa Bulacan lubog kay Quinta
MALOLOS CITY, Bulacan, Philippines — Dalawampu’t apat na barangay sa lalawigang ito ang lumubog sa Baha dahil sa walang tigil na pagbuhos ng ulan dulot ng bagyong Quinta.
Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa Bulacan,siyam na barangay sa bayan ng Hagonoy, 12 barangay sa bayan ng Calumpit at 3 barangay sa bayan ng Balagtas ang nasa isa hanggang limang talampakang taas ng tubig baha.
Ang barangay Palapat, San Agustin, San Isidro, San Juan, San Miguel, San Pedro, Sta. Monica, Sto. Niño at Tampok sa Hagonoy ay nasa 1-3 talampakan ang lalim ng baha.
Sa bayan ng Calumpit ay lubog pa rin sa 2-5 talampakan lalim ng tubig baha ang mga barangay ng Sapang Bayan, San Jose, Pandukot, Sta. Lucia, Bulusan, Calizon, Guyo, Iba O Este, Caniugan, Frances, Maysalao at San Miguel.
Hindi na pinararaanan sa lahat ng uri ng sasakyan ang Macalban Bridge sa bayan ng Sta. Maria dahil umapaw na ang tubig dito habang ang kahabaan ng Lias road sa bayan ng Marilao ay unpassable na sa maliliit na uri ng sasakyan dahil sa lubog na sa baha ang Manila North Road.
Ang Ipo Dam sa bayan ng Norzagaray ay nagpakawala na ng 108 cubic meter/second ng tubig.Habang ang Bustos Dam ay nagpakawala na rin ng 375cms ng tubig habang ang Angat Dam ay nagpakawala ng 194.10 meters ng tubig.
- Latest