^

Probinsiya

7-anyos nangarnap ng motor kinuyog, timbog!

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
7-anyos nangarnap ng motor kinuyog, timbog!
Nabugbog pa ang suspek ng biniktima nito at ilang kasama nang bumalik sa lugar kung saan siya tumangay ng motorsiklo na kinilala sa alyas na “Adrian”,17-anyos, residente ng Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite.
Philstar.com / Jovannie Lambayan

Naiwang sasakyan binalikan

CAVITE, Philippines — Arestado ang isang 17-anyos na binatilyo makaraang bumalik sa lugar kung saan siya nangarnap hinggil sa naiwang motor din na gamit nito, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Luciano, Trece Martirez City.

Nabugbog pa ang suspek ng biniktima nito at ilang kasama nang bumalik sa lugar kung saan siya tumangay ng motorsiklo na kinilala sa alyas na “Adrian”,17-anyos, residente ng Brgy. De Ocampo, Trece Martires City, Cavite.

Sa pahayag sa pulisya ng biktimang si Dave Donzillo, 22, ng Brgy. Luciano, Trece Martires City, alas-6:55 ng gabi habang naka- park ang kanyang mo-torsiklong Mio Sporty Solty may plakang 741URB nang duma­ting ang binatilyong suspek sakay rin ng isang Honda Click motorcycle (8800KF).

Bumaba umano sa sinasakyang motorsiklo ang suspek at dali-dali nitong sinakyan ang motorsiklo ng biktima saka sumibat palayo sa nasabing lugar.

Hindi na umano nahabol ng biktima ang suspek at dahil sa nakita nito na iniwan ang gamit na motorsiklo ng suspek, nagpasya siyang hintayin ang pagbabalik nito kasama ang isang naka-witness ng pangyayari na si alyas Charles, 22-anyos.

Matapos ang isang oras na paghihintay, pasimpleng bumalik ang suspek upang kunin ang iniwang motorsiklo kaya dito na umalerto ang biktima at ilang concerned citizen kung kaya agad na  kinuyog at pinagtulungang bugbugin ang suspek.

Inawat naman ng ilang nakakitang residente saka  tumawag ng mga taga-barangay upang arestuhin ang suspek na agad dinala sa pulisya,

Nagsagawa ng follow-up operation ang pulisya para marekober ang motorsiklo ng biktima subalit hindi na ito nabawi pa.

SUSPEK

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with