^

Probinsiya

Helper hulog sa backhoe, pisak

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Kalunus-lunos ang sinapit ng isang 19-anyos na helper matapos na aksidenteng mahulog habang nakaupo sa may dozer ng backhoe habang umaandar at saka nagulungan habang nagsasagawa ng road widening sa Governor’s Drive Brgy Paliparan 1, Dasmariñas City kahapon.

Sa ulat ni P/Staff Sgt. Donato Almenario, alas-12:10 ng madaling araw habang abala sa konstruk­syon sa kalsada ang biktima na sina Jomat Nicolas­, 19-anyos at driver ng backhoe na Helbert Pipae, 30, sa nasabing lugar nang biglang mahulog mula sa pagkakaupo sa nasabing sasakyan ang una hanggang sa tuluy-tuloy na masagaan. Hindi agad napansin ng driver sa bilis ng pangyayari ang kasama kaya agad napisak ang biktima.

Ilang minuto pa bago naitakbo sa pagamutan ang biktima na idineklarang dead-on-arrival.

DONATO ALMENARIO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with