^

Probinsiya

Mayor sa Cebu nasawi sa COVID-19

Pilipino Star Ngayon
Mayor sa Cebu nasawi sa COVID-19
Hindi tinukoy sa Facebook post ang sanhi ng pagkasawi ni Mayor Marlon bagama’t kinumpirma ni Gov. Gwen noong Agosto 2 na tinamaan ng COVID-19 ang alkalde.
Freeman/Aldo Banaynal

MANILA, Philippines — Patay ang isang alkalde sa Cebu na na­kababatang kapatid ni Governor Gwendolyn Garcia na una niyang kinumpirma na nagpositibo sa coronavirus disease (COVID-19), anim na araw lamang matapos na pumanaw ang isa pa nilang kapatid sa nasabing lalawigan.

Sa kanyang post sa Facebook, inanunsyo ni Winston Garcia, dating pangulo ng Government Service Insurance System ang pagkasawi ng kanilang kapatid na si Barili, Cebu Mayor Marlon Garcia.

Hindi tinukoy sa FB post ang sanhi ng pagkasawi ni Mayor Marlon bagama’t kinumpirma ni Gov. Gwen noong Agosto 2 na tinamaan ng COVID-19 ang alkalde.

“To lose one brother is painful enough, but to lose another brother in the same week, my heart just can not take any further. The true fighter that he was, my brother, Marlon has been fighting for his life for the last few weeks,” pahayag ni Winston.

“This morning, he joins my brother, Nelson and my mother in heaven,” pahayag ng dating GSIS president kahapon.

Naunang binawian ng buhay nitong Set­yembre 1 ang kapatid nilang si Nelson, dating alkalde sa bayan ng Dumanjug sa hindi inihayag na kadahilanan.

Sa tala, anim na alkalde sa Cebu ang nagpositibo sa COVID-19 simula nang tumama ang naturang nakamamatay na sakit sa bansa.

MARLON GARCIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with