^

Probinsiya

14-anyos nilasing muna bago ginahasa ng 3 kelot

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

SAN JOSE DEL MONTE CITY, Bulacan, Philippines — Isang 14-anyos na dalagita ang walang awang pinagpasa-pasahan at ginahasa ng tatlong lalaki kabilang ang dalawang menor-de-edad na kaibigan ng biktima sa isang inuman sa Brgy. Muzo, dito sa siyudad kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Col Gil Domingo, hepe ng CSJDM Police ang tatlong suspek na si Jelan Sucgang, 30-anyos, construction worker at dalawang kabataan na edad na 17 at 16 at pawang nakatira sa Harmony Hills 1, Brgy. Muzon ng nasabing siyudad.

Sa inisyal na imbestigasyon, dakong alas 9:00 ng gabi nang yayain ng dalawang suspek na menor-de-edad ang biktima.

Dahil sa kaibigan ng biktima ang dalawang suspek kaya tiwala siyang sumama at nag-inuman sila sa bahay ni Sucgang.

Nang malasing na ang biktima, doon na isinagawa ng mga suspek ang maitim na balak sa dalagita.Halinhinalang hinalay ng mga suspek ang biktima at nang mapagod ang mga ito ay sabay-sabay na nakatulog. Dito na sinamantala ng biktima na tumakas at humingi ng tulong sa mga pulis.

Agad na sinalakay ng mga pulis ang bahay ni Sugcang at doon sila naabutang natutulog pa sanhi ng kanilang pagkakaaresto.

vuukle comment

GINAHASA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with