^

Probinsiya

Kuryente sumabog, empleyado nasunog

Cristina Go Timbang - Pilipino Star Ngayon
Kuryente sumabog, empleyado nasunog
Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang si Rogelio Balonzo Rosales, nasa hustong gulang, traba­hador sa nasabing pa­brika.
STAR/File

Cavite, Philippines — Nagtamo ng 3rd degree burn sa mukha at katawan ang isang empleyado matapos itong mahagip sa pagsabog ng high tension wire habang nasa scaffolding at nagkukumpuni ng kuryente sa loob ng isang factory, kamakalawa ng hapon sa loob ng Yeonho Com­pany, FCIE Compound, Brgy. Langkaan 2, Dasmariñas City.

Ang biktima na nasa kritikal na kondisyon ay nakilalang si Rogelio Balonzo Rosales, nasa hustong gulang, traba­hador sa nasabing pa­brika.

Sa imbestigasyon ni PMSgt Rolando Paulo Figueroa, alas-2:00 ng hapon bago naganap ang insidente, ay kasalukuyang may kinukum­puni ang biktima at nasa ibabaw ito ng scaf­folding nang biglang sumabog ang high tension wire at nasapul ito.

Agad namang na­itakbo sa Gen Tri Doctors Hospital kung saan nagtamo ito ng 3rd degree burn kaya agad din itong inilipat sa De La Salle Medical Center­ sanhi ng maselang kalagayan.

vuukle comment

PATAY

SUNOG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with