Higit P3 milyong troso nasabat
MANILA, Philippines — Nasabat ng mga elemento ng Environmental Protection and Enforcement Task Force ng DENR ang may P3,499,183.19 na halaga ng mga troso sa Barangay Pangil, Amadeo, Cavite, iniulat kahapon.
Armado ng search warrant kasama ng DENR operatives ang mga tauhan ng National Bureau of Investigation, Air Force Nasugbu nang samsamin ang may kabuuag 43,103.91 board feet ng troso at 237 piraso ng assorted finished wood products na may halagang P323,000. Walang naipakitang valid documents o permit ang may-ari ng mga troso kaya’t agad sasampahan ng kasong paglabag sa Section 77 ng PD 705 (Revised Forestry Code of the Philippines).
Pansamantalang nasa kustodya ng Army Reserve Command (ARESCOM) sa Camp Riego De Dios, Tanza, Cavite ang mga nakumpiskang kahoy para sa kaukulang safekeeping.
- Latest