Guro ginulpi ng estudyante
DepEd nag-iimbestiga
Bacolod City, Philippines — Kasalukuyang iniimbestigahan ng Department of Education ang reklamo ng isang 23-anyos na guro na ilang beses umanong ginulpi ng isang 16-anyos na estudyante noong nakaraang buwan sa Himamaylan City, Negros Occidental.
Nakilala ang guro na si Kristel Anne Valencia ng Raymundo T. Tiongson High School Extension sa Barangay Suay, Himamaylan.
Ayon sa medical certificate na ipinalabas ni Dr. Ma. Cecilia Amante ng Gov. Valeriano M. Gatuslao Memorial Hospital, nagtamo si Valencia ng cerebral concussion, secondary to blunt trauma bunga ng pambubugbog dito ng estudyante. Pinayuhan ang biktima na magpa-hinga ng tatlo hanggang limang araw.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Valencia na ilang beses siyang sinuntok ng naturang estudyante sa ulo at noo, sinunggaban siya at inginudngod nito ang kanyang ulo sa sofa noong Pebrero 26 sa opisina ng school principal sa Barangay Su-ay, Himamaylan City.
Naganap ang insidente nang tangkain ni Valencia na kausapin ang estudyante para alamin kung bakit ito nagpapadala sa kanya ng mga annoying messages. Kinompronta rin niya ang estudyante sa pagtawag nito sa kanya ng “ungo” (dumb o ta-nga) at good for nothing teacher.
Sinabi pa ni Valen-cia na, noon ding Pebrero 26, nakatanggap siya mula sa suspek ng nakakabahala/nakakahiyang chat messa-ges. Nag-forward siya nito sa isa niyang chat group para malaman ng lahat at ng kanilang teacher-in-charge ang ginawa ng estudyante para matulungan siyang sawatahin ang mga kabastusan nito.
Isa sa text message ay nagsasaad na “Hey, send nude”, wika pa ng guro.
Nabatid kay Hima-maylan Schools Division Officer-in-Charge Assistant School Superintendent Bernie Libo-on na iniimbestigahan nila ang reklamo ni Valencia na inilipat sa main campus ng Raymund Tiongson High School para maibsan ang inabot nitong trauma.
Ayon pa kay Libo-on, ang suspek na estudyante ay isinailalim sa home school at ginagamot sa kanyang behavioral at psychological problems.
Isinasaad pa sa affidavit ni Valencia na ang 16-anyos na estudyante ay laging nanggugulo sa kapwa mga estud-yante at nananakit ng mga guro.
- Latest