^

Probinsiya

Mt. Pulag nadamay sa wildfire

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon
Mt. Pulag nadamay sa wildfire
Walang nagawa at pinanood na lamang ng mga awtoridad ang pagsiklab ng wildfire sa mga bundok na sakop ng Sitio Tinuping, Barangay Eddet sa Kabayan, Benguet dahil na rin sa kahirapan ng madaraanan at sa matinding usok sa tabi ng nagbabagsakang mga bato at ibang debris sa lugar.
Kabayan Police

TUGUEGARAO CITY,  Cagayan, Philippines — Muli na namang sumiklab ang isang forest wildfire sa Kabayan, Benguet na umabante patungo sa direksyon ng Mt. Pulag national park sa pamamagitan ng trail sa Barangay Akiki, kahapon ng umaga.

Ayon kay Captain Peter Camhol Jr., hepe ng Kaba- yan Police Station, hindi makalapit ang mga awtoridad sa lugar ng sunog dahil sa matarik nitong bangin, mga nahuhulog na bato at iba pang debris kasama na ang ma-kapal na usok na umaakyat mula sa ilalim ng bundok.

Ikinalungkot ni Fire Officer 2 Billyduck Palasi ng Kabayan Bureau of Fire Protection na hindi makapasok ang mga fire trucks sa lugar kaya’t wala muna silang magawa kundi obserbahan sa malayo ang kaganapan ng sunog.

Katatapos lamang maa­pula ang 9 na araw na sunog sa Barangay Kabayan Baryo noong Miyerkules na ikinaabo ng may 150 ektaryang kagubatan.

Kasabay ng paniba-gong sunog ay ang isa pang kasalukuyang forest fire sa Brgy. Ambassador, Tublay, Benguet na ikinasira na ng 20 ektaryang pine forest ang nagaganap.

Ipinaliwanag ni Arnold Battung ng Department of Environment and Natural Resources sa Cagayan Valley na kahit malamig ang klima ay flammable ang dagta ng pine tree sa isang Coniferous forest gaya ng matatagpuan sa Benguet.

FOREST WILDFIRE

MT. PULAG

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with