Forest fire sumiklabulit sa Benguet
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Matapos maapula ang forest fire sa Kabayan, Benguet na tumupok ng nasa halos 150 ektarya ng kagubatan noong Martes, ay isa namang sunog ang sumiklab sa parte ng Sitio Nalseb, Ambasador, Tublay, Benguet noong Miyerkules na nagpapatuloy hanggang kahapon.
Ayon kay Fire Officer 1 Richard Watas ng Tublay Bureau of Fire Protection (BFP), may 20 ektaryang Pine forest na ang natupok mula nang sumiklab ang sunog dakong alas-2:30 ng hapon noong Miyerkules.
Tumulong ang mga mamamayan na apulahin ang apoy sa dalawang Fire Trucks ng BFP Tublay at isa mula sa BFP La Trinidad dagdag ni Watas.
Nabatid naman na nagkaroon din ng brownout sa Tublay sanhi ng pagkalat ng apoy dakong alas-8:40 ng gabi ayon sa Benguet Electric Cooperative.
Naunang nasunog ang 150 ektar-yang kagubatan ng Kabayan, Benguet na natapos noong Martes.
Gayunman, wala namang napaulat na nasaktan o nasawi sa mga naganap na forest fire.
- Latest