^

Probinsiya

238 sundalo inalay ang dugo para sa Pasko

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon

SANTIAGO CITY, Isabela , Philippines — Nasa 238 baya­ning sundalo ng 5th Infantry Division (5ID) ang nagpamalas ng kanilang ginintuang puso lalo na ngayong panahon ng Kapaskuhan matapos mag-donate ng kanilang dugo sa isi­nagawang bloodletting activity bilang regalo sa mga pasyenteng nanga-ngailangan nito.

Ayon kay Army Major Noriel Tayaban, ang tagapagsalita ng 5ID, umabot sa 115 bags ng dugo o may katumbas na 57,500 cc ang nakolekta sa 238 sundalo na nakabase sa nasa-bing dibisyon.

Nauna rito, pinangu­nahan ng 5ID ang pag­lagda sa isang memorandum of understan-ding (MOU) katuwang ang People’s General Hospital na nakabase sa Cagayan at Southern Isabela Medical Center sa Isabela para sa boluntaryong pagbibigay ng dugo ng mga sundalo ng 5ID na may temang “Dugong Bayani, Aming Ipinamamahagi”.

Ang kasunduan ay nilagdaan nina Major General Pablo Lorenzo, commanding general ng 5ID; Dr. Marcos Mallillin, hepe ng Hospital ng People’s General Hospital at Dr. Diwata Grace Bausa, pinuno ng Southern Isabela Medical Center Laboratory.

“The timing is right, while we are celebra-ting this special season (Christmas) we must seize the opportunity to harness the momentum to deliver our special gifts to our brothers by saving their lives through dona-ting our own blood,” ani Lorenzo.

5TH INFANTRY DIVISION

PASKO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with