^

Probinsiya

Titser nilikida ng tandem

Rhoderick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Patay ang isang guro makaraang pagbabarilin ng riding in tandem habang naghihintay sa labas ng bahay ng kanyang kasamahan sa krimeng naganap sa Barangay Cambanogoy, Asuncion, Davao del Norte, iniulat kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Joan Laruya, 38, nagtuturo sa Katipunan Elementary School at residente ng Asuncion, Davao del Norte.

Sa report ng pulisya, naganap ang insidente sa labas ng bahay ng kasamahang guro ng biktima sa Brgy. Cambanogoy, Asuncion bago mag-alas-7:00 ng umaga. Bigla na lamang dumating ang mga suspek at pinagbabaril ang biktima na agad nitong ikinamatay.

Ayon sa kaanak ng biktima, wala silang matandaan na may kaaway ang biktima bagkus isa ito sa mga tinagurian “one of the best teachers’ sa nasabing paaralan.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa pangyayari at inaalam ang tunay na motibo sa krimen. 

TANDEM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
-->