1,000 trabahador kailangan para sa ginagawang riles
CALUMPIT, Bulacan, Philippines –Kailangan pa ng isang libong mga karagdagang manggagawa upang mapabilis ang konstruksyon ng ginagawa nang Phase 1-Section 2 ng North-South Commuter Railways o NSCR.
Ito ang kontrata na kinomisyon ng Department of Transportation (DOTr) upang buhayin ang dating riles ng tren mula Malolos hanggang Balagtas.
Dahil dito, nagsasagawa sa iba’t ibang bayan at lungsod ng Bulacan ng “jobs fair” ang Sta. Clara International upang mapunan ang kakulangan ng mga manggagawa para sa proyekto.
Ito ang kontratistang Pilipino na katuwang ng kontratistang Hapon na Sumitomo Mitsui Corporation na nagtatayo ng NSCR Phase 1-Section 2.
Sinabi ni Janver Torres ng Human Resource Office ng Sta. Clara International na kabilang sa mga kailangan nila ang civil supervisor, civil foreman, civil 3D operator, traffic management officer, safety officer, camp admin officer, project nurse, first aider, all around housemaid, service driver, bus driver, backhoe operator, bulldozer operator at pumpcrete operator.
Pati na rin ang drill rig operator, vibro hammer operator, crawler/tower crane operator, dump truck driver, trailer truck driver, boom truck driver, heavy/light mechanic, rigger, auto electrician, auto welder, electrician, karpintero at mga mason, steelman, scaffolder, welder, plumber at mga helper.
- Latest