^

Probinsiya

2 stude dedo sa road mishap

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
2 stude dedo sa road mishap
Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jonnie Balanza, 21-anyos, residente ng #58 Bitao St., Meadowood Executive Village, driver ng Mio motorcycle at ang backrider nito na si Rai Aries Jameson Rint, 22, ng Tangile St, nasabi ring subdivision.

CAVITE, Philippines — Dalawang magkaklase sa kolehiyo ang nasawi makaraang sumemplang sa sinasakyang motorsiklo na rumampa sa center island sa kahabaan ng Bacoor Boulevard Intersection, Brgy. Niog 3, Bacoor City.

Kinilala ng pulisya ang mga biktima na sina Jonnie Balanza, 21-anyos, residente ng #58 Bitao St., Meadowood Executive Village, driver ng Mio motorcycle at ang backrider nito na si Rai Aries Jameson Rint,  22, ng Tangile St, nasabi ring subdivision.

Sa ulat ni P/SSG Allih Rimbang, magkaangkas ang magkaklase sa kulay puting Yamaha Mio Sporty 2013 (NA 17600) at bumabagtas sa nasabing lugar dakong alas-12:10 ng madaling araw nang bigla silang mawalan ng kontrol pagsapit sa may intersection dahilan upang sumemplang at rumampa sa center island ng kalsada.

May kabilisan umano ang patakbo ng mga biktima kung kaya malakas ang impact sanhi upang kapwa mapuruhan sa ulo dahil sa kawalan ng mga suot na helmet.

Naitakbo pa sa pagamutan ang dalawa subalit namatay din.

vuukle comment

CAVITE ROAD ACCIDENT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with