^

Probinsiya

P42.1-M shabu samsam sa X-mas drug ops

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
P42.1-M shabu samsam sa X-mas drug ops

MANILA, Philippines — Umiskor ang mga ope­ratiba ng pulisya ma­tapos masakote ang tatlong pinaghihinalaang big time drug pushers na nasamsaman ng nasa P42.1 milyong halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa mismong araw ng Pas­ko sa Cebu City kamakalawa.

Sa ulat ni Police Regional Office (PRO)-7 Director P/Chief Supt Debold Sinas, kinilala ang mga nasakote na sina Reji Abesia, 24; Michael Ceniza, 39 at Remelyn Fernandez, 33.

Ayon sa pulisya, pina­kamarami ang nakum­piskang droga kay Abesia na nasa P40.8 milyon na nakalagay sa malala­king plastic sa isinagawang pagsalakay sa kanyang tinutuluyang bahay sa Brgy. Basak Pardo. Inuupahan lamang nito ang nasabing bahay na ginagawa umano nitong drug den bagama’t siya ay talagang residente ng Brgy. Pasil, Cebu City. 

Sa kabila nito, itinanggi ni Abesia na sa kanya ang bulto ng drogang nakum­piska ng pulisya sa pagsasabing courier lamang siya ng isang alyas Lebron na sinusuwelduhan ng P2,500 kada linggo kung saan nasa 50 kilo na umano ng shabu ang kanyang naibebenta.

Sa kasunod na buy-bust operation, nasakote naman sa Brgy. Pasil ang dalawa pang umano’y drug pushers na sina Michael Ceniza at Remelyn Fernandez na nakumpiskahan ng P1.3 milyong halaga ng shabu na nakasilid sa dalawang malalaking plastic.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2000 ang mga nasakoteng drug suspect.

DRUG PUSHERS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with