^

Probinsiya

7 namato sa SUV na ikinasawi ng misis, arestado

Boy S. Cruz, Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumagsak sa kamay ng batas ang pitong kala­lakihan na tinuturong res­ponsable sa pamamato ng malalaking tipak ng bato sa isang Sports Utility Vehicle (SUV) na ikinasawi ng isang 42-anyos na misis sa isinagawang follow-up ope­ration ng mga otoridad sa Brgy. San Agustin, sa ba­yan ng Hagonoy, lalawigan ng Bulacan, kamakalawa ng hapon.

Humihimas na sa bakal na rehas at nahaharap sa kasong murder ang pitong suspek na kinilala ng Bulacan Provincial Police Office na sina Ezekiel Caparas alyas ‘Jepoy’,18; Bryan Balatbat alyas ‘Birthday’, 22; Dario dela Cruz alyas ‘Buli’, 29; Jose Bernabe alyas ‘Jobi’, 20; Jeffrey de Leon, 25; Rommel Nabong, 25 at Albert Martin, 22-anyos.

Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang biktimang si Malou Victorio, may-asawa, residente ng Brgy. Upper Bicutan sa Taguig City. Nagtamo si Victorio ng matinding tama sa ulo na unang isinugod sa Sacred Heart Hospital sa Malolos City bago ito inilipat sa Quezon City General Hospital kung saan idineklara itong comatose bunsod ng internal hemorrhage na tinamo.

Batay sa ulat, dakong alas 2:00 ng madaling araw habang binabagtas ng biktima at kanyang mister na si Edwin Victorio ang kahabaan ng Brgy. San Agustin sakay na kanilang Mitsubishi Adventure (UIP-202) na galing sa isang lamay ng kanilang namayapang kaanak at pauwi na sana sa Taguig City nang sundan sila ng dalawang tricycle na sakay ang mga suspek.

Nag-overtake at big­lang nag-cut sa kanila ang isang tricycle dahilan upang mapahinto kung saan nagbabaan ang mga suspek at saka walang pagliliming pinagbabato ang windshield ng SUV na sa ‘di inaasahan ay isang malaking tipak ng bato ang tumama sa biktima na agad nawalan ng malay saka isinugod sa pagamutan.

Sinabi naman ng mister ni Malou na maaaring biktima sila ng mistaken identity sa umano’y nakagitgitan ng tricycle driver na si alyas na ‘Jepoy’.

vuukle comment

PAMAMATO NG MALALAKING TIPAK NG BATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with