3 CAFGU patay sa NPA ambush
NORTH COTABATO, Philippines — Bumulagta ang tatlong mga kasapi ng Citizen Armed Force Geographical Unit o CAFGU matapos tambangan ng mga pinaniniwalaang miyembro ng New People’s Army o NPA sa bayan ng Nasapit, Agusan del Norte, nitong Sabado.
Batay sa ulat ni Senior Insp. Calvin Placer Jr., hepe ng Nasipit Municipal Police, dead-on-arrival sa Nasipit District Hospital si Totong Sulaygay habang dinala naman sa isang ospital sa Butuan ang kasamahan nitong si Corporal Sahari Jamjahare ngunit binawian din ng buhay noong Sabado. Nasawi rin ang kanilang kasamang si Erwin Mandahinog nitong Lunes ng madaling araw.
Ayon sa pulisya, pinaulanan ng bala ng hindi pa kilalang mga salarin ang mga biktima habang sakay ng habal-habal noong Sabado.
Sinisilip ng pulisya ang “paghihiganti” na posibleng motibo sa krimen dahil sa may kaaway umano ang isa sa tatlong biktima.
- Latest