^

Probinsiya

Karambola sa kalsada: 1 patay, 3 malubha

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

CANDELARIA, QUEZON  , Philippines  —  Patay agad ang isang tricycle driver habang malubhang nasugatan ang kanyang tatlong pasahero nang masangkot ang minamanehong tricycle sa karambolang naganap sa Maharlika Highway sakop ng Barangay Mangilag Sur, kamakalawa ng madaling araw.  Nabasag ang bungo ng biktimang si Joel Magnaye, may asawa ng Brgy. Sta.Catalina samantalang ginagamot sa Candelaria United District Hospital dahil sa mga sugat sa iba’t-ibang parte ng katawan sina Jerick Su­mague, Gio Villanueva at John Paulo Pa­tino. 

Ayon sa ulat ng pulisya, minamaneho ni Magnaye ang Suzuki tricycle upang ihatid pauwi ang tatlo niyang pasahero nang banggain sila sa likurang bahagi ng Toyota Vios ni Erwin Celada ng Bacoor, Cavite.  Nawalan ng kontrol sa manibela si Magnaye hanggang bu­mangga ito sa kasalubong na Isuzo cargo truck ni Jilbert Valencia ng Lopez, Quezon.  Nahirapan pa ang mga rescuer na alisin ang biktima sa minamanehong trike dahil sa pagkakaipit. 

vuukle comment

KARAMBOLA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with