^

Probinsiya

2 AWOL cops tiklo sa droga

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
2 AWOL cops tiklo sa droga
Kinompronta ni Calabarzon Director Chief Supt. Guil­lermo Eleazar ang dalawang AWOL cops na sina PO1 Ivan Henrick Tavas at PO2 Benjo Sionilo nang iharap sila sa media sa Camp Vicente Lim headquarters sa Laguna kahapon matapos silang maaresto sa drug bust operation ng mga awtoridad sa Rizal kamakalawa.
(Kuha ni Ed Amoroso)

MANILA, Philippines — Dalawang parak na idineklarang AWOL (Absence Without Official Leave) ang nasakote ng anti-drug ope­ratives sa buy bust operation sa Metro Montana, Brgy. Burgos, Rodriguez, Rizal nitong Huwebes ng gabi.

Iprinisinta ni Police Regional Office (PRO) IV A Director P/Chief Supt. Guillermo Eleazar sa mediamen ang mga nasakoteng suspek na kinila­lang sina PO2 Benjo Sionilo alyas Bedjo, 37 anyos, ng Block 6, Lot  41, Charmison Subdivision, Brgy, Geronimo, at PO1 Ivan Henrick Tavas, 33  ng  530 M.H. Del Pilar St., Brgy. Geronimo; pawang sa bayan ng Rodriguez.

Si Sionilo ay 11 taon sa serbisyo sa PROIVA at ang huling assignment ay sa Antipolo City Police Station bago siya nag-AWOL noong Marso 3, 2018.?

Samantala, si Tavas na nakatalaga rin sa PROIVA ay nag-AWOL naman noong Marso 29, 2017 na ang huling assignment ay sa Rizal Provincial Mobile Force Company. Bandang alas-10:20 ng gabi nang masakote ang dalawa ng mga operatiba ng Provincial Intelligence Board/Provincial Drug Enforcement Unit (PIB/PDEU) sa pamumuno ni Supt. Christopher Dela Peña at Station Drug Enforcement Team (SDET) ng Rodriguez Municipal Police Station sa pangunguna ni Pablito Naganag sa ilalim ng superbisyon ni Rizal Provincial Director Sr. Supt. Lou Evangelista sa pakikipag-koordinasyon sa PDEA-IVA.

vuukle comment

ABSENCE WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ANTI-DRUG OPE­RATIVES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with