^

Probinsiya

Cebu Mayor Loot, pamilya tinambangan, niratrat

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nakaligtas sa tiyak na kamatayan si Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot at kanyang pamilya matapos silang tambangan at pagbabarilin ng mga di kilalang suspek kahapon ng umaga.

Si Loot ay dating police general na pinangalanan ni pangulong Duterte na protektor ng droga.

Lumalabas na pababa na ng bangka ang Alkalde kasama ang kanyang asawa na si dating Mayor Malou Loot, at anak na si Shun Simora na isang board member mula sa Malapascua island nang  paulanan sila ng bala ng mga armadong kalalakihan.

Nasugatan sa nasabing insidente ang driver ng pamil­ya, helper at wharf porter at kaagad dinala sa Cebu Doctors Medical hospital.

Naniniwala si Loot na ang “bounty hunters” ang nasa likod ng pag-atake sa kanila at may kinalaman ito sa pulitika. Nakara­ting umano sa kanyang kaalaman na may grupo ng bounty hunters ang nasa kanilang lugar.

Matatandaan na idinawit ni Kerwin Espinosa si Loot na tumanggap sa kanya ng P100,000 kada linggo na drug mo­ney na mariin naman itong pinabu­laanan ng alkalde.    

vuukle comment

CEBU MAYOR

VICENTE LOOT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with