^

Probinsiya

Kawani ng munisipyo nilikida

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Pinabulagta ng ‘di pa nakilalang suspek ang isang kawani ng pamahalaang lokal ng bayan ng Kapatagan sa lalawigan ng Lanao del Sur sa Pansacala Street, Barangay Rosary Heights 10 sa Cotabato City kamakalawa ng umaga. Kinilala ang biktima na si Alfata Guiday, 35-anyos, isang administrative aide ng munisipyo at residente ng Brgy. Daguan, Kapatagan. Ayon kay Chief Inspector Efren Salazar, pasado alas-11 ng umaga nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspect ang biktima sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan at ulo gamit ang kalibre 45 pistol.

Bagama’t naisugod pa sa Cotabato Regional and Medical Center ang biktima ngunit idineklara siyang dead-on-arrival ng mga doktor. May lead na umano ang pulisya sa kaso at nilinaw na hindi ito election-related.    

vuukle comment

ALFATA GUIDAY

COTABATO REGIONAL AND MEDICAL CENTER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with