15-anyos ni-rape ng sariling utol
TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kalaboso ang bagsak ng 19-anyos na senior vocational high school student matapos itong arestuhin ng pulisya sa kasong panggagahasa sa sariling utol na dalagita sa Barangay Fuerte, bayan ng San Mateo, Isabela kamakalawa.
Sa police report na nakarating kay P/Chief Insp. Emil Pajarillo, hepe ng San Mateo Police, dumalo sa pagdaraos ng kapistahan ng barangay ang magkapatid na itinago sa mga pangalang Bheejay, 19; at Remedios, 15.
Gayunman, inabot ng gabi ang mag-utol kaya nakitulog sa bahay ng kanilang tiyahin na magkatabi sa iisang kuwarto.?
Ayon sa ulat, dakong hatinggabi ay kinabayo ng binatilyo ang sariling utol at matagumpay nitong nakuha ang pagkababae sa kabila ng pagpupumiglas ng dalagita.?
Kaagad namang dinakma ng pulisya ang binatilyo kinaumagahan habang himbing pa itong naghihilik sa kama matapos maunang magsampa ng kasong kriminal laban sa kanya ang sariling utol.
- Latest