^

Probinsiya

Van at dyip nagsalpukan, 15 sugatan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY , Philippines  - Labing-limang katao ang sugatan matapos magsalpukan ang isang Toyota Hi-Ace van at isang pampasaherong jeepney sa Brgy. 40 Buyon, Bacarra, Ilocos Norte kamakalawa. Sinabi ni Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte Police, nang-agaw ng linya habang nag-oovertake sa dalawa pang sasakyan ang drayber ng van (UFX 325) na si Niko Dane Viernes kaya’t natumbok ang kasalubong na jeepney na minamaneho ni Harley Acorda, 39.? Ayon kay Corpuz, nagkabali-bali ang mga buto sa paa ng dalawang drayber na kapwa isinugod sa Governor Roque Ablan Sr. Memorial Hospital and Medical Center sa Laoag. Dinala rin sa nasabing pagamutan ang mga pasahero ng jeepney na sina Leslie Lagora, 23; Michelle Valencia, 32; Ericson Ramelb, 38; Lilibeth Agcaracar, 43; Josie Cornelio, 51; Segundina Dela Cruz, 70, at Irene Mendoza, 76.?Nagtamo rin ng mga galos at bukol ang mga pasahero ng van na sina Catherine Joy Razote, 22; Jayson Bugarin, 22; Roxane Sagayaga, 25; Grace Constantino, 55; Trisia Constantino, 19, at Michael De Lima, 37. Parehong mistulang niyuping lata ng sardinas ang dalawang sasakayan na isinailalim muna sa pangangalaga ng pulisya.

vuukle comment

DEXTER CORPUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with