^

Probinsiya

Trike vs trak: Mag-asawa, 5 pa kritikal

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Kritikal ang mag-asawa at limang iba pa  matapos salpukin ng kanilang traysikel ang pumaparadang dumptruck sa gilid ng Solsona-Apayao Road sa Barangay Manalpac, bayan ng Solsona, Ilocos Norte noong Lunes ng gabi.? Kinilala ni P/Chief Insp. Dexter Corpuz, tagapagsalita ng Ilocos Norte police office ang mag-asawang naisugod sa Dingras District Hospital na sina Romeo Balino, 32; Benelyn  Balino, 27; mga anak na sina Marc Romwel Balino, 5; Ruben John Balino, 7; bayaw na si Benedicto Rasalan, 20; utol na si Cristina Balino, 39; at ang pamangking si Maria Fe Balino, 8.? Lumalabas sa imbestigasyon na nagmula sa inuman ang drayber ng traysikel bago niya salpukin sa likuran ang nakaparadang truck (XTU-653) ni Daemar Sobrepena, 26, sa loob ng compound ni Andy Jambaro dakong alas-9:30 ng gabi.?Isinailalim sa kustodiya ng pulisya ang drayber ng trak matapos ang sakuna.

vuukle comment

DEXTER CORPUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with