^

Probinsiya

3 ‘Maute’ todas sa militar!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Umiskor ang tropa ng militar kasunod ng kanilang pagkakapatay sa tatlong hinihinalang miyembro ng Maute terrorist group nang salakayin ng tropa ng Joint Task Force ZamPeLan (Zamboanga Peninsula, Lanao) ang baluwarteng lugar ng mga kalaban at nagkabakbakan sa Lanao del Sur kamakalawa.

 Ayon kay Capt. Jo-Ann Petinglay, spokesperson ng AFP Western Mindanao Command, bandang alas-9 ng umaga nang magsagawa ng FMO (focused military operations) ang tropa ng militar laban sa grupo ng mga terorista.

Sinabi ni Petinglay, nasa 30 terorista sa pamumuno ng isang alyas Afgan ang nakasagupa ng security for­ces sa kanilang kuta sa Brgy. Ragayan, Poona Bayabao na tumagal ng 45 minuto na ikinasawi ng tatlong kalaban. Narekober ng militar ang katawan ng dalawang miyembro ng Maute na napatay habang ang isa ay binitbit umano ng nagsitakas na grupo.

Narekober  sa encounter site ang tatlong M14 rifles, isang garand rifle, isang M16 rifle na may nakakabit na M203 grenade launcher, dalawang improvised explosive device at sari-saring bala.

Pinuri naman ni Major Gen. Carlito Galvez Jr., commanding general ng AFP Western Mindanao Command ang militar dahil sa pagkakapatay sa Maute members at sa pagsisikap ng mga sundalo na mapanumbalik ang kapayaan sa Mindanao.

MAUTE TERRORIST GROUP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with