^

Probinsiya

2 supporter ng alkalde, nirapido

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Dalawang supporter ng mayor ang nasa kritikal na kalagayan makaraang magkasunod na ratratin ng mga hindi kila­lang lalaki ang kanilang bahay sa Barangay Minanga sa bayan ng San Pablo, Isabela noong Martes ng gabi.?

Sa police report na nakarating kay P/Senior Supt Reynaldo Garcia, Isabela police director, magkasunod na isinugod sa Milagros District Hospital ang mga biktimang sina Pablo Guiquing, 67; at Roberto Macapallag na kapwa kawani ni Mayor Antonio Miro, mga nakatira sa nasabing barangay at sinasabing mga kapitbahay ni NDF consultant Randy Felix Malayao na kasama sa naunsiya­ming peace talks sa Europa.?

Ayon sa mga residente, animo’y resbak ang insidente matapos itumba ng riding-in-tandem gunmen ang 50-anyos na dating sundalong si Ireneo Duran sa nasabing bayan noong nakalipas na linggo. ?

Base sa tala ng pulisya, katulad ni Duran, pinatay din si Chairman Joer-el Panganiban noong Enero 2017.

Samantala, si Atty. Arlan Castañeda at bodyguard nito ay pinabulagta rin habang dumadalo sa Misa de Gallo noong Disyembre 2016 ay mga supporter ng kalaban ni Miro na si Dr. Norma Pinson. ?

Noong nakaraang taon, apat na supporters ni Miro ang itinumba sa iba’t-ibang okasyon.?

Nanawagan ng paghihinahon si Malayao sa dalawang kampo matapos uma­bot sa puntong humingi ng tulong ang mga taga-San Pablo sa PNP na mamagitan na sa gulo.?

Hiniling din ni Malayao sa PNP na disarmahan ang mga pulitiko at supporter ng mga ito  upang hindi na umabot sa ubusan ng lahi ang mga nagaganap na patayan sa nasabing bayan.

vuukle comment

REYNALDO GARCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with