^

Probinsiya

Isa pang drug suspek, itinumba Walang puknat na patayan…

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines - Bumabaha na ng dugo sa lansangan ng nabanggit na lungsod na ito dahil sa walang puknat na patayan matapos itumba ng riding-in-tandem assassins ang isa pang drug suspek sa tabi ng bakuran ng Provincial Police Office ng Cagayan sa Lecaros Street sa Barangay Centro kahapon ng tanghali.?

Sa inisyal na ulat na nakarating kay P/Supt. Virgilio Con Abillera Jr., hepe ng Tuguegarao City PNP, isang plastic sachet ng shabu ang narekober sa bulsa ng nakabulagtang si Manny Armales, 23, naka­tira sa Barangay Alimannao sa bayan ng Peñablanca, Cagayan. ?

Sinisiyasat pa ng pulisya kung ano ang ginagawa ng biktima sa lugar na malapit sa kinalalagyan ng tanggapan ni Cagayan Police Director P/Senior Supt Amorsolo Dela Cruz nang ratratin gunmen.?

Noong Sabado ay niratrat din at napatay ng tandem gunmen si ex-P02 Geraldine Bautista, 43, matapos lumabas sa pasugalan ng E-Bingo sa Barangay Don Domingo. ?

Nabatid na si ex-PO2 Bautista ay isa sa mga pulis sa Cagayan Valley na tinukoy ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang unang narcolist noong Agosto 2016.?

Tinitingnan ng mga imbestigador kung may kaugnayan ang pagpatay kay Bautista sa pagpatay naman kay Amarles.

vuukle comment

DRUG SUSPEK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with