^

Probinsiya

Misis minartilyo, utas; ka-live-in nagbigti

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 21-anyos na misis matapos martilyuhin ng kanyang ka-live-in na nag-suicide naman dahil sa matinding selos noong Biyernes ng hapon sa kanilang bahay sa Brgy. Caysio, bayan ng Santa Maria, Bulacan.

Basag ang bungo ng biktimang si Joycell Resuello  habang nagbigti naman ang kinakasama nitong si Bryan Holandes, 23, mga nakatira sa  Northville 5, sa nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PO1 John Carlo Clemente nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magka-live-in kung saan nagkakasigawan dahil sa matinding selos ng lalaki kung saan hindi naman pinapansin ng mga kapitbahay.

Ilang sandali pa ang nakalipas ay katahimikan na ang umiral kaya nagtaka ang mga kapitbahay at inusisa kung saan natagpuan ang babae sa loob ng kuwarto na duguan ang ulo habang nakabitin naman ang lalaki sa punungkahoy sa likurang bahagi ng kanilang bahay.

Narekober mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang martilyo na may bahid ng dugo habang kable naman ng kuryente ang nakita sa leeg ng lalaki.

Samantala, tumanggi naman ang mga kaanak ng dalawa na isailalim sa post mortem examination habang naiwan naman ng magka-live-in ang dalawang anak.

vuukle comment

NAGBIGTI

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with