^

Probinsiya

Kelot lasog sa tren

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nahagip ng kamatayan, isang araw bago ang  paggunita ng Todos Los Santos ang isang lalaki nang masagasaan  ng tren ng Philippine National Railways (PNR), sa bahagi ng Pandacan, Maynila, kahapon ng tanghali.

Kinilala lamang sa alyas na  Ferdinand,  ang  nasawi  na naputulan ng paa at nakaladkad ng tren ng ilang metro at tuluyang binawian ng buhay.

Sinabi ni P/Senior Insp. Arnold Sandoval, hepe ng Investigation Section ng Manila Traffic Enforcement Unit naganap ang insidente dakong alas 11:05 ng tanghali kahapon (Lunes), sa railroad na sakop ng Barangay 872 , Zone 95, Pandacan.

Iniimbestigahan na ang makinista na si Aldrin Delos Santos, ng PNR train body number MSC-1035, para sa inihahandang reklamong reckless imprudence resulting in homicide.

Posibleng hindi narinig ng biktima ang malakas na sirena kaya hindi agad ito nakaalis ng riles  kaya nahagip at nasagasaan ang paa at sumabit pa sa pagtakbo ng tren.

KELOT

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with