Mag-asawa itinumba ng tandem
CAVITE, Philippines – Kamatayan ang sinapit ng mag-asawang lulan ng motorsiklo makaraang ratratin ng riding-in-tandem assassins sa liblib na bahagi ng Sitio Manami sa Barangay San Roque, bayan ng Naic, Cavite kamakalawa. Napuruhan sa ulo ang mag-asawang sina Angelito Agliam, 48; at Marilyn Agliam, 44, kapwa nakatira sa Barangay Matingkis, bayan ng Talavera, Nueva Ecija. Sa inisyal na ulat ng pulisya, dakong alas-12:50 ng tanghali nang makarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang ilang magsasaka sa nasabing lugar. Nakasalubong naman ng isang magsasakang nagmomotorsiklo ang riding-in-tandem gunmen may ilang metro ang layo sa motorsiklo ng mag-asawang duguang nakabulagta. Blangko naman ang pulisya sa motibo ng gunmen dahil ang mag-asawa ay kapwa dayuhan sa nasabing lugar.
- Latest

















