^

Probinsiya

Lola di-nagpautang ginulpi

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Halos hindi na makagulapay ang 63-anyos na lola na sinasabing hindi nakapagpautang matapos itong gulpihin ng kanyang kapitbahay na lalaki sa Brgy. Malusak, Sta. Rosa City, Laguna noong Lunes ng hapon. Kasalukuyang ginagamot sa Perpetual Hospital ang biktimang si Angelita  Dinco Barri­nuevo ng  Block 19, Lot 11 sa Stellar Street, Phase 5, Garden Villas sa nasabing barangay. Arestado naman ang suspek na si Ricardo Barrionuevo, 49, ng Park 1 sa Brgy. Aplaya sa nasabing lungsod. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame, nagtungo ang suspek sa bahay ng biktima upang mangutang muli ng pera subalit tinanggihan naman ng matanda dahil sa makunat itong magbayad. Sumiklab ang pagtatalo hanggang sa gulpihin kung saan tinalian pa nito ng electric cord ang leeg at binigti. Gayon pa man,  isa sa mga anak ng matanda ang umuwi at naagapan ang buhay ng ina mula sa pagkakabigti.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ANGELITA

BRGY

CAMP CRAME

DINCO BARRI

GARDEN VILLAS

PERPETUAL HOSPITAL

RICARDO BARRIONUEVO

ROSA CITY

STELLAR STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with