Kawani ng city hall, nilikida
LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Bulagta ang 44-anyos na kawani ng lokal na pamahalaan matapos itong tambangan ng mga di-kilalang lalaki sa bahagi ng Crossing Nursery Street sa Purok 3, Barangay Nursery sa Masbate City, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang napatay na si Elmer Sampaga, may asawa, at nakatira sa nasabing barangay. Sa ulat ang pulisya na nakarating sa Camp Simeon Ola, pauwi na ang biktimang nagmomotorsiklo nang harangin at ratratin bandang alas-6:20 ng gabi. Narekober sa crime scene ang mga basyo ng bala ng M16 rifle, cal. 45 pistol ng biktima, motorsiklo, pera, at cellphone nito. Sinisilip ng pulisya ang anggulong may kinalaman sa politiko ang pamamaslang.
- Latest