8 timbog sa gun ban sa Maguindanao
MANILA, Philippines – Umabot na sa walong katao ang naaresto ng mga awtoridad sa lalawigan ng Maguindanao dahil sa paglabag ng gun ban.
Isa sa mga dinakip sa loob ng apat na araw ay ang security guard na si Jonathan Jovellano na naharang sa isang checkpoint sa Barangay Landasan sa bayan ng Parang.
Pauwi na sana si Jovellano nang mapadaan sa checkpoint kung saan nakumpiska ang kaniyang M16 rifle.
Unang naaresto sa Maguindanao mula nang ipatupad ang gun ban nitong Enero 10 ay si Mike Upam Datukaka ng Kabuntalan na nakumpiskahan ng kalibre .45 na nakatago sa utility box ng kaniyang motorsiklo.
Ang ibang nadakip ay mga resident eng Shariff Aguak at Ampatuan na parehong nasa ikalawang distrito ng Maguindanao.
Ipinatupad ng Commission on Elections ang gun ban upang matiyak ang mapayapang pangangampanya at ang eleksyon sa Mayo.
- Latest