^

Probinsiya

Lover ni misis dinedo ni mister

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Napatay ang 37-anyos na mister na naaktuhang nakikipag-sex sa misis ng kanyang kainuman sa damuhan matapos itong ratratin ng kanyang kapitbahay na minero sa Barangay Remedios, bayan ng Cervantes, Ilocos Sur noong Biyernes ng madaling araw.?

Base sa police report, sinamantala ni Noeme Ruth Vasquez ang magdamagang pakikipag-inuman ng kanyang mister na si Ariel Vasquez  sa mga kaibigan sa kanilang bahay upang sumalisi sa kalaguyong biktima na si Allan Reyes na kanilang kapitbahay.?

Nadiskubre ang bawal na relasyon ng magkalaguyo nang hanapin ng suspek ang misis upang magpuno ng nauubos nang pulutan sa kanilang hapag-inuman.?

Dito na kinabahan si Vasquez na nawawala ang isa niyang kainumang si Reyes at misis kung saan sinuyod  nito ang paligid ng kanilang bahay bitbit ang cal.45 pistol.?

Gayon pa man, naudlot ang magkapatong na magkalaguyo nang maaktuhan sila ng suspek na sinasabing nawala ang kalasingan kung saan pinagbabaril ang biktima.

Dalawang tama ng bala sa dibdib ng biktima ang dumapo habang hubo’t hubad na nagtatakbong tumakas ang misis.

Sumuko ang suspek kay Barangay Chairman Amante Sanchez matapos ang pamamaril.

vuukle comment

ALLAN REYES

ANG

BARANGAY CHAIRMAN AMANTE SANCHEZ

BARANGAY REMEDIOS

BIYERNES

DALAWANG

DITO

GAYON

NBSP

NOEME RUTH VASQUEZ

VASQUEZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with