^

Probinsiya

Walang pang-media noche… Mister inutas ni misis

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Napatay sa saksak ang 33-anyos na magsasaka ng kanyang sariling misis makaraang magtalo kaugnay sa kawalan ng pambibili ng pagkain sa media noche kamakalawa ng umaga sa Purok 5, Barangay Mamala 2 sa bayan ng Sariaya, Quezon.

Hindi na umabot ng buhay sa Lucena United Doctors Hospital dahil sa malalim na saksak sa kaliwang dibdib ang biktimang si Rodante San Vicente habang nahaharap sa kasong parricide ang suspek na si Laarni San Vicente, 28.

Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-7 ng umaga nang sumiklab ang mainitang pagtatalo ng mag-asawa tungkol sa kawalan ng ipambibili ng ihahanda sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sa gitna ng pagtatalo ay iginiit ng biktima na pagtiyagaan na lamang ang mga gulay at prutas sa kanilang bakuran na ikinagalit naman ng suspek.

Dito na kumuha ng itak ang mister upang takutin ang asawa subalit naagaw ito sa kanya kaya naganap ang pananaksak.

vuukle comment

ANG

BAGONG TAON

BARANGAY MAMALA

DITO

LAARNI SAN VICENTE

LUCENA UNITED DOCTORS HOSPITAL

NAPATAY

PUROK

QUEZON

RODANTE SAN VICENTE

SARIAYA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with