^

Probinsiya

Kotse vs 2 traysikel: 4 patay

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Apat-katao ang namatay makaraang magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng highway sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar noong Sabado ng hapon.

Sa inisyal na ulat ng Eastern Samar PNP na isinumite sa Camp Crame, isa sa mga namatay ay si Renato Brieva, 52, tricycle driver, ng Maydolong, Eastern Samar.

Tatlong pasahero ng traysikel na hindi pa natukoy ang pagkakakilanlan ang naisugod sa Alvino Duran Memorial Hospital subalit idineklarang patay.

Base sa police report, naganap ang trahedya sa kahabaan ng Maharlika Highway sa Sitio Kamaktas, Barangay San Miguel bandang alauna y medya ng hapon.

Nabatid na biglang lumihis at pumasok sa kabilang linya ng highway ang Toyota Avanza na minamaneho ni Jelson Quebec ng Tacloban City kaya nasalpok ang dalawang traysikel kung saan isa sa mga ito ang minamaneho ni Brieva.

Hindi naman binanggit sa police report kung may namatay sa Avanza habang patuloy naman ang imbestigasyon.

ALVINO DURAN MEMORIAL HOSPITAL

ANG

BARANGAY SAN MIGUEL

CAMP CRAME

EASTERN SAMAR

JELSON QUEBEC

MAHARLIKA HIGHWAY

RENATO BRIEVA

SITIO KAMAKTAS

TACLOBAN CITY

TOYOTA AVANZA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with