^

Probinsiya

11 sasakyan sinunog ng NPA

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot sa 11-heavy equiptments kabilang ang pitong trak ang sinunog ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) makaraang salakayin ang itinatayong mini hydro plant sa Barangay Passi sa bayan ng Igbaras, Iloilo kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Army’s 3rd Infantry Division, dakong alas-8 ng gabi nang salakayin ng mga rebelde  sa project site ng Century Peak sa nasabing lugar.

Kabilang sa sinunog na mga heavy equiptments ay pitong trak, isang Isuzu elf truck at tatlong backhoe.

Tinatayang nasa 20 rebelde ang sumalakay sa hydro thermal plant  na agad dinisarmahan ng shotgun at cal. 38 revolver ang mga security guard.

Wala namang nagawa ang mga bantay at na­ngangasiwa sa planta dahil armado ang mga rebelde na pumalibot sa nasabing project site.

Agad na binuhusan ng gasolina ang mga heavy equiptments saka sinilaban.

Kaagad na tumakas ang mga rebelde kung saan pinaniniwalaang pangingikil ng revolutionary tax ang isa sa motibo ng panununog.

 

vuukle comment

ACIRC

ANG

BARANGAY PASSI

CENTURY PEAK

IGBARAS

ILOILO

INFANTRY DIVISION

ISUZU

KAAGAD

MGA

NEW PEOPLE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with