Retired Army major, nilikida
CAMARINES NORTE, Philippines – Pinabulagta ang retiradong Army major matapos itong pagbabarilin ng mga rebeldeng New People’s Army sa loob ng subdivision sa Barangay Bibincahan, Sorsogon City, Sorsogon kamakalawa ng hapon. Sa police report na isinumite kay P/Supt. Dionisio Laceda, hepe ng Sorsogon City PNP, naglalakad ang biktimang si ex-Major Arnaldo Manjares nang lapitan at ratratin ng di-kilalang lalaki pagsapit sa bahagi ng Destajo Road 1st Street sa 4th road sa Our Lady Village. Naisugod pa sa SMMG Hospital ang biktima subalit idineklarang patay.
- Latest


















